Ipinaliwanag muli ng Social Security System (SSS) noong Lunes na ang dahilan para sa accounting net loss na makikita sa 2021 audited financial statements nito ay ang presentasyon ng policy reserves sa balance sheets, na walang epekto sa kasalukuyang cash flow at funding situation nito.

“Noong 2021, nagkapagtala kami ng P872 billion na change in policy reserves na nagdulot ng comprehensive loss na P827 billion sa aming statement of comprehensive income. Ang increase sa policy reserves ay kinabibilangan ng P400 billion na Margin for Adverse Deviation (MfAD), isang one-time initial provision na nagsisilbing buffer for conservatism,” pagpapaliwanag ni SSS President at CEO Michael G. Regino.

Inaasahan ng SSS na ang increase sa MfAD ay magiging higit na mas mababa sa mga susunod na taon.


“Itong policy reserves ay hindi aktwal na pera na lumabas sa aming pondo, bagkus ay estimate ng kinakailangang reserba para pondohan ang claims ng aming miyembro sa hinaharap. Kung titingnan natin ang aming income laban sa aming expenses nang hindi kabilang itong policy reserves, kami po ay kumita ng P28 billion mula sa aming operasyon noong nakaraang taon,” dagdag niya.

Ang pagkilala sa policy reserves na rumerepresenta sa Social Benefit Liabilities (SBLs) at MfAD ay alinsunod sa Philippine Financial Reporting Standards (PFRS) 4 na sinimulang gamitin ng SSS sa 2020 financial statements nito.

Ayon sa 2021 Annual Financial Report for Government Corporations ng Commission on Audit (COA), SSS lamang ang kumilala sa change in policy reserves na requirement ng PFRS 4. Isa ito sa mga dahilan para makakuha ito ng unmodified opinion mula sa COA noong 2021. Ito ang most favorable audit rating na maaaring matanggap ng isang government agency.

“Sinisiguro namin sa aming mga miyembro at kanilang benepisaryo na nananatili kaming financially viable sa pagbibigay ng benepisyo. Base sa aming huling inilabas na actuarial valuation, ang aming fund life ay tinatayang magtatagal hanggang 2054,” ani Regino.

“Kaya namin kinikilala itong future liabilities ngayon pa lamang ay para magkaroon kami ng mas malinaw na larawan ng aming long-term financial standing na magsisilbing gabay para sa amin at sa pamahalaan para sa mas mabuting pangangalaga ng aming pondo,” dagdag niya.


Do you have a story for the WhenInManila.com Team? Email us at [email protected] or send us a direct message on WhenInManila.com Facebook Page. Interact with the team and join the WhenInManila.com Community at WIM Squad! We also share our stories on Viber, join us!



.thirdPartyRoot {
background-color: white;
color: #444;
border: 1px solid #ccc;
border-left: 0;
border-right: 0;
font-family: sans-serif;
font-size: 14px;
line-height: 16px;
width: 320px;
text-align: left;
position: relative;
}
.thirdPartyMediaClass {
width: 320px;
height: 168px;
margin: 12px 0;
}
.thirdPartySubtitleClass {
font-size: 18px;
-webkit-line-clamp: 1;
overflow: hidden;
text-overflow: ellipsis;
display: -webkit-box;
height: 16px;
-webkit-box-orient: vertical;
}
.thirdPartyTitleClass {
padding-right: 12px;
line-height: 18px;
-webkit-line-clamp: 2;
overflow: hidden;
text-overflow: ellipsis;
display: -webkit-box;
height: 36px;
-webkit-box-orient: vertical;
}
.thirdPartyCallToActionClass {
background-color: #416BC4;
color: white;
border-radius: 4px;
padding: 6px 20px;
float: right;
text-align: center;
text-transform: uppercase;
font-size: 11px;
}
.fbDefaultNativeAdWrapper {
font-size: 12px;
line-height: 14px;
margin: 12px 0;
height: 36px;
vertical-align: top;
}